
I have this friend na nakilala ko nung June 2009 pa.. Siya yung pinaka-una kong naging close nung nag transfer ako sa Letran. I must say na sooooobra kaming close nito. Pag ako wala, sa kanya ako hinahanap. Pag siya naman ang wala sakin siya hinahanap just because kami yung laging magkausap. Kapag kailangan niya ako, kahit nasa bahay ako, pupuntahan ko siya. Ganun din naman siya sakin. Alam niya kwento ng buhay ko, ganun din ako sa kanya. Maski yung pagkakagusto ko sa kanya way back 2009 alam niya yun. Hahahaha. Oh well, 2009 pa yun, hindi na ngayon. Haha. Kapag may nakita siyang something interesting or pag may problems siya or pag may gusto siyang bagay, ako una niya kinakausap para hingin yung opinion ko about it. Lagi siya naka-Fatima dati sa bawat bagay na gagawin niya. Na minsan dumarating sa point na nakakairita na at lagi ko sinasabi sa kanya na magbago na siya. Dumating November 2011, 2nd sem na.. Simula ng araw na to hindi ko na kilala yung taong pumapasok sa klase namin. Isang bagong Tao na siya. Kabaligtaran ng ugali ng kaibigan ko. Mas seryoso. Mas focus sa pagaaral. As his bestfriend/ate/nanay, natutuwa naman ako sa nangyayaring pagbabago sa kanya dahil pinapahalagahan na niya yung studies niya ngayon. Ang kaso.. Yung pagiging seryoso niya, dinala na niya hanggang sa labas. Hindi na siya masyado nagsasalita.. Kahit ako hindi na niya ganun kinakausap. Nalulungkot lang ako sa sudden change niya na to. Namimiss ko na yung kaibigan ko. Yung kaibigan kong nakilala ko nung june2009. Ang feeling ko kasi ngayon nawalan ako ng kaibigan eh.. Sobrang ibang Tao na siya ngayon. Last time I saw him smile/laugh was nung laNaval pa last sem, and that was last October 2011 pa. Ilang beses ko na rin tnry na basagin yung pagiging tahimik at seryoso niya ngunit nabigo ako. Namimiss ko na siya. Sobra sobra.
Dude, kung nababasa mo ‘to, tatawa nalang ako. Hahahaha. Alam mo naman na ‘to eh dba.. Sinabi ko na ‘to lahat sayo sa text. Basta, lagi lang ako nandito for you if ever you need me. And suportahan nalang kita jan sa bago mong trip sa buhay. Lamonaman na mahal kita eh. Dba nga ikaw Ang baby ko? :) Dami mong alam masyado eh. Hindi mo naman kailangan maging ganyan kaseryoso eh.. Tinutulungan naman kita eh, dba? Namimiss na kitang baliw ka. Namimiss ko na yng bestfriend ko. Pinaiyak mo na naman ako